Kinabukasan, nagising ako sa banayad na sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kwarto. Ramdam ko ang bigat ng braso ni Justin na nakayakap sa bewang ko, at sa kabila ng lahat, napangiti na lang ako. Hindi ko akalain na isang araw magigising ako nang ganito—mapayapa, masaya, at kasama ang lalaking minsang muntik kong mawala.Inangat ko nang bahagya ang ulo ko para titigan ang mukha niya. Mahimbing pa rin siyang natutulog, bahagyang nakaawang ang labi at ang buhok niya magulo pero guwapo pa rin. Napailing ako, Paano ba nagagawa ng isang tao na maging ganito ka-perpekto kahit tulog?Habang iniisip ko 'yun, biglang dumilat si Justin. Nagtagpo ang mga mata namin, at ngumiti siya nang tamad pero puno ng lambing. "Good morning, Mrs. Olarte" bulong niya habang mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.Napatawa ako. "Good morning din, Mr. Olarte," sagot ko habang sinubukan kong bumangon, pero hindi niya ako pinakawalan."Five more minutes," aniya na
Terakhir Diperbarui : 2025-10-14 Baca selengkapnya