“May lagnat si Sir Caleb.”“Binigyan mo na ba siya ng gamot?” malamig ang tinig na tanong ni Raven.Sumagot ang bodyguard. “Ayaw niyang inumin. Pinilit namin, pero kinagat niya ang kamay ng isang kasamahan namin.”Idinagdag pa ng bodyguard. “Paulit-ulit siyang humihiling na makita ka.”Maliban sa pagdala ng pagkain nung isang araw matapos niyang ikulong si Caleb, hindi na muling nakita ni Raven ang lalaki. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang lalaki.“Dinadalhan namin siya ng pagkain nitong mga nakaraang araw, ngunit hindi siya kumakain. Paulit-ulit niyang hinahanap ang lugaw na dinala mo noon, Mam.”Napamura si Raven sa isip niya.“Gumaling na ba ang mga sugat niya?”“Yes, Mam.”“Wala nang bakas?” pagkumpirma ni Raven.“Opo, kahit gamitan pa ng medikal na pamamaraan, mahirap ng makita ang anumang bakas ng sugat sa kanyang katawan.”Sa mga nakaraang araw, upang mabilis na gumaling ang mga sugat ni Caleb, ipinag-utos ni Raven na luwagan ang posas sa kanyang mga pulso.Noong una, na
Last Updated : 2026-01-03 Read more