LOGINSa batang edad ay napilitang magpakasal si Raven Santana sa nag-iisang tagapagmana ng Go Prime Holdings na si Caleb Go. Pero pagkatapos niyang ipanganak ang kamnbal nilang anak, hindi pa rin naging maganda ang kanilang pagsasama. Hindi siya tinratong asawa ng lalaki. Hanggang sa dumating sa punto na napuno na si Raven at nakipaghiwalay na sa asawa. Maraming nagtaka sa ginawa niya. Sabi nila ay para siyang nagtampo sa bigas, pinakawalan ang isang napakagandang pagkakataon. Pero paano kung ang wakas pala ng pagsasama nila ni Caleb ay ang magiging simula ng panibagong kuwento ng buhay ni Raven? At sa kuwentong iyon, siya naman ang bida.
View MoreSh*t!
Bigla na lang tumirik ang minamanehong sasakyan ni Raven. Ngayon siya nagsisi na hindi siya nakiusap sa asawang si Caleb na gumamit muna siya ng ibang sasakyan nito sa garahe kahit ngayong gabi lang. Medyo luma na rin kasi ang kotseng ipinapagamit ng asawa sa kanya. Tutal naman ay kaarawan ngayon ng anak nila.
Saka naman biglang bumuhos ang malakas na ulan. Natigilan si Raven. Medyo malayo-layo pa ang hotel na pupuntahan nila ng anak na babae na si Maddison. Naroroon na ang asawang si Caleb at ang anak na si Mason. At nag-aalala siya na baka mabasa ang cake na ginawa niya para kay Mason.
“Mama, paano na tayo?”
Napalingon si Raven sa narinig na boses ng anak. Agad na nginitian ni Raven si Maddison.
“Iiwanan na lang natin itong kotse at magta-taksi na lang tayo papunta dun sa hotel.”
Nakangiting tumango ang anak. “Sige, Mama.”
Sakto namang lumakas pa lalo ang ulan ng nakababa na ang mag-ina mula sa sasakyan nila. Malaki man ang payong na dala ni Raven, sinigurado pa rin niyang mapayungan si Maddison at ang cake na dala. Hindi na baleng siya ang mabasa. Ang importante ay hindi mabasa at magkasakit ang anak, ganun din ang cake na ginawa niya para sa anak na si Mason.
SAMANTALA, sa isang hotel room.“Papa, gusto ko ng mag-blow ng cake!”
“Parang kokonti pa lang ang mga bisita,” sagot ni Caleb.
Lumabi si Mason. “Ang tagal naman nila! Nasaan na ba kasi ang mga bisita mo, Papa? Sige na, Papa… gusto ko ng i-blow ang candle ng cake…”
Hindi naka-imik si Caleb. Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot niya sa anak.
“Caleb, hayaan mo na si Mason. Pagbigyan mo na,” sulsol ni Ingrid na nasa tabi ni Mason.
Si Ingrid ay kapatid ni Raven.
“Okay…” pagsang-ayon ni Caleb.
Kapag si Ingrid ang nagsabi, hindi pwedeng hindi siya pagbigyan ni Caleb.
“Yehey!!” masayang sabi ni Mason, habang si Ingrid naman ay malapad na napangiti.
“Sige na, Mason honey… i-blow mo na ang candle mo at baka magbago pa ang isip ng Papa mo. Pero huwag mong kalimutang mag-wish bago mo siya i-blow,” masayang sabi ni Ingrid.
Malapad ang ngiti na pinagdikit ni Mason ang mga kamay at saka pumikit sa harap ng cake.
“Ang wish ko… sana… maging bagong Mama ko na si Auntie Ingrid!”
Nabigla ang mga bisita sa narinig na sinabi ni Mason. Wala halos nakapagsalita sa kanila. Nabasag lang ang katahimikan dahil sa pagtawa ni Ingrid.
“Mason? Ano ba namang wish ‘yan? Hindi kami talo ng Papa mo,” natatawang sabi ng babae. “At saka, sabi ko naman sa ‘yo, di ba? Huwag mo akong tatawaging Auntie. Ang Papa mo at ako ay magka-kosa. Sanggang-dikit. Kaya dude Ingrid ang itawag mo sa akin katulad ng tawag ko sa Papa mo..”
“Dude? Parang hindi po bagay sa iyo ang ganung tawag. Ang ganda-ganda mo kaya, Auntie– uhm… d-dude…”
Muling tumawa si Ingrid. Walang pakialam sa mga nakatinging bisita. Pagkatapos ay ubod tamis siyang ngumiti sa pamangkin.
“Mason, honey… matanong ko lang… bakit naman biglang gusto mong magkaroon ng bagong Mama?”
Nilingon ni Mason ang ama na kasalukuyan ding nakatingin sa kanya. “Dahil gusto ka ni Papa, dude Ingrid!”
Hindi napigilan ni Ingrid ang malapad na mapangiti. Mabilis niyang tiningnan si Caleb para makita ang reaksyon nito pero walang emosyong makikita sa mukha nito. Ganunpaman, hindi naapektuhan nito ang sayang nadarama ngayon ni Ingrid.
“Matalino itong anak mo, Caleb,” nakangiting sabi ni Ingrid.
Agad na naalerto ang mukha ni Caleb, pagkatapos ay mabilis na tiningnan ang mga bisita sa paligid.
“Huwag mong patulan ang bata, Ingrid. Hindi pa niya alam ang mga sinasabi niya,” seryosong sabi ni Caleb kay Ingrid.
Agad na nagbaling ng tingin si Caleb sa mga bisitang nakapaligid sa kanila.
“Huwag n’yo na lang pansinin ang anak ko,” sabi ni Caleb sa kanila.
Sinabi man iyon ni Caleb, pero marami sa mga bisitang naroroon ang nakaaalam na magkababata sina silang dalawa ni Ingrid. At mula pagkabata ay may espesyal na silang nararamdaman para sa isa’t isa. Kaya alam din nilang hindi nagsisinungaling ang batang si Mason sa sinabi nito. Marahil ay iyon din ang nakikita ng bata sa ama at sa tiyahin nito.
Marami ang nag-akala na sa kasalan hahantong ang espesyal na tinginan na iyon ng dalawa. Pero hindi gusto ng pamilya Go si Ingrid para sa anak nila. Marami kasing bali-balita na masyadong malapit si Ingrid sa kung sino-sinong lalaki, at puro mga lalaki ang mga kabarkada nito at gusto niyang samahan. Iniisip nila na maaaring makasira sa reputasyon ng pamilya ang babae.
Kaya sa halip, ang mas batang kapatid ni Ingrid na si Raven ang napisil nilang ipakasal kay Caleb, ang tagapagmana ng Go Prime Holdings.
May isang bisita na kaibigan nila Ingrid at Caleb ang nagtanong kay Mason.
“Mason… eh sino ang mas mahal mo? Si Ingrid o ang Mama mo?”
“Siyempre, si dude Ingrid!”
Hindi napigilan ni Ingrid ang sarili na malapad na mapangiti sa narinig na sagot ng bata. Niyakap niya nang mahigpit si Mason at saka hinalikan ito sa ulo.
“Ikaw talagang bata ka…”
Wala silang kaalam-alam na kanina pa sila pinapanood ni Raven na nakatayo malapit sa pintuan ng kuwartong okupado ng selebrasyon nila.
Hindi maipinta ang pagmumukha ni Raven. Pakiramdam niya ay biglang umakyat ang dugo niya sa ulo niya. Narinig at nasaksihan niya ang lahat ng pangyayari.
Ang lubos na nakapagpatulala sa kanya ay ng nakita niya ang anak na nagpayakap at nagpahalik sa kapatid niyang si Ingrid. Kilala niya ang anak. Ayaw na ayaw nito ng physical contact sa kahit kanino mula pa ng maliit pa ito. Pero ng yakapin at halikan ito ni Ingrid ay hindi niya kinakitaan ang anak ng pag-protesta. Ngayon, nakaupo pa ito sa kandungan ni Ingrid habang may malapad na ngiti sa tiyahin nito.
Magkatabing nakaupo sila Ingrid at Caleb, habang nakakalong si Mason sa babae. Para tuloy silang isang tunay na pamilya. Pakiramdam ni Raven, mas mukha pa silang pamilya kaysa kapag siya ang kasama nila Mason at Caleb.
“Mama?”
Tila biglang natauhan si Raven ng narinig ang malamyos na boses ni Maddison. Tiningnan niya ang anak habang pinipigilang bumagsak ang nagbabantang mga luha sa kanyang mga mata.
Pinilit ngumiti ni Raven sa anak.
“Ikaw, anak. Ano ang birthday wish mo?”
“Ikaw lang po ang wish ko, Mama.”
“Paano naman si Papa at si Mason?”
Pero bago pa makasagot si Maddison, nag-unahan na ang mga luha ni Raven. May bumagsak pa nga sa kamay ni Maddison, kaya naman nag-panic ang bata ng nakitang umiiyak ang ina.
“Mama! Huwag ka na pong umiyak. Pagsasabihan ko si Mason na huwag ng magdidikit kay Auntie Ingrid dahil nasasaktan ka.”
~CJ
Isang nakaposas na Ingrid ang humarap kay Caleb.Napansin ni Ingrid ang perpektong pagkaka-plantsa ng kwelyo ng polo ng lalaki, at ang madilim na patterned tie ay akmang-akma sa kanyang custom-made suit.Nakaharap si Caleb kay Ingrid. Malamig ang tingin nito at walang emosyon ang mukha.“Gising na si Mason,” mayamaya ay sabi ni Caleb.Naglaan ng malaking halaga ang pamilya Go para sa buhay ni Mason sa pagkakataong ito.Nakipagsanib ang Go Prime Holdings at ang First Hospital upang bumuo ng expert team overnight para gamutin ang kondisyon ni Mason, at nag-imbita pa ng mga nangungunang international surgeon.Matapos magkamalay si Mason, agad na nagsimula ang rehabilitation team upang tulungan siyang makabalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.Nang narinig ang balitang ito, desperadong gustong lumapit ni Ingrid kay Caleb. Pero nakakahiya ang itsura niya. Mukha siyang gusgusin at walang ayos.“Gising na si Mason, ibig bang sabihin hindi na ako makukulong? Caleb, kailan mo
Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang huminto sa harap ng gusali ng Santana Technology ang isang magara at custom-made na sasakyan.Bumukas ang pinto, at unang lumabas ang mahahaba at makikinis na mga binti. Ang makintab na leather shoes na may tatlong pulgada ang heels ay dahan-dahang tumama sa marmol na sahig.Lumabas din si Eris mula sa kotse, nakasuot siya ng dark gray na terno na perpektong-perpekto ang sukat sa kanyang matipunong pangangatawan. Paglingon niya, iniabot ni Raven ang kanyang kamay.“Girlfriend, let’s go?”Ngumiti si Raven, tapos ay magkasabay silang pumasok sa gusali kasama ang pinuno ng acquisition project ng Lurara Corporation, pati na rin ang mga tauhan nito mula sa auditing at finance.Dumiretso si Raven at Eris sa elevator. Dalawang beses na siyang nakapunta sa kumpanya nila kaya pamilyar na siya sa layout nito.“Hoy!”Nagmamadaling lumapit sa kanila ang receptionist. Hirap na hirap ito sa paglakad nang mabilis dahil sa suot nitong high heels.“Bakit ka pumipind
Magkasamang nakaupo sa kotse sina Raven at Eris. “Gising na si Mason, alam mo na ba?”Marahang tumango si Raven. “Oo, nag-message sa akin si Sean nung nagising siya.”Mula nung naaksidente si Mason, hindi na dinala ni Raven si Maddison sa ospital. Sa tuwing dadalhin niya kasi si Maddison sa ospital, ipinapaharang sila ni Barbara at hindi pinapapasok.Nalaman din niyang naalisan na ng ilang mga honorary positions sa mga charitable organizations ang matandang ginang, at ngayon ay tila gusto na siya nitong balatan ng buhay.Kung ipipilit niyang pumunta sa ospital, magsisimula lamang ang matanda ng mura at sumpa, na makakaapekto sa paggaling ni Mason.“Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko,” pahayag ni Raven habang nakatingin sa malayo.NGAYONG araw, muling tinanggihan ng San Clemente Church ang ibang mananampalataya dahil sa pagdating ng pamilya Go. Eksklusibo muna sa mag-lola ang buong simbahan.Nakaluhod si Barbara, nakadikit ang mga palad at pabulong na nagdarasal. Si Mason naman ay naka
Matapos niyang paalisin si Raven at Maddison, naupo si Barbara sa pasilyo ng ospital, habang nagbibigay ng utos sa kanyang assistant.“Maghanap ka ng ilang media outlet at ipasulat na ang batang master ng pamilya Go ay nasa intensive care unit, at si Raven bilang ina, ay wala sa tabi niya. Alam niyang paulit-ulit na isinasakay ng kapatid niya ang kanyang anak sa motorsiklo, ngunit hindi niya ito pinigilan, at ngayon pati ako, ang lola ni Mason, ay pinupuna pa niya!”Nakayuko ang assistant, maingat na itinatala sa kanyang telepono ang mga utos ng matandang ginang. Nang bigla niyang nakita ang isang news article na ipinadala ng isang kakilala.Dala ng kuryosidad, binuksan niya ang artikulo. Pero pagbukas niya, para bang biglang gumuho ang langit!Isang media account ang naglabas ng video online kung saan dinadala ng pulis si Caleb.Nanginginig ang mga daliri ng assistant habang nag-click siya sa trending topics list, at natuklasan niyang ang kumpanya ng mga Go ay nasa gitna ng unos sa k












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore