Matapos ang halos tatlong oras ng walang humpay na pag-type, pagbabasa ng mga academic journals, at seryosong pag-aanalisa ng datos, sa wakas ay naramdaman ni Seth Axel Castillo ang tamang oras para sa isang victory stretch. Ibinaba niya ang takip ng kanyang space-gray laptop nang may swabeng tunog, hudyat na tapos na niya ang Chapter 3 ng kanilang synthesis report—ang bahagi na sadyang ibinigay ni Avery sa kanya para pahirapan siya. Humarap si Seth kay Avery na kasalukuyan pa ring nakatutok sa sarili nitong laptop, ngunit halatang pagod na rin ang mga mata nito. "Misis ko," swabeng tawag ni Seth, ang kanyang boses ay puno ng tagumpay at lambing. "Tapos ko na ang Chapter 3. Perfect details, complete citations, at siguradong papasa sa standards mo. Kaya dahil napakahusay ng partner mo ngayon, at mag-aalas dose na rin ng tanghali... oras na para sa premyo." Dahan-dahang inangat ni Avery ang kanyang tingin, pilit na itinatago ang pagkamangha na natapos nga ng binata ang mahirap na
Read more