"Uncle Morgan, sino nga po pala ang kasama mo papunta rito?" tanong ni Monique, baka may kasama itong babae tulad noong huli itong umuwi.Ngunit isang araw lang nakita ni Monique ang babae noon dahil umalis din agad."Just me, Monique," sagot ni Morgan habang nakatitig sa mukha ni Monique. Dahil dito, dama ni Monique ang lalong paglakas ng pintig ng kanyang puso. Iba talaga ang dating nito sa kanya."Mabuti pa umuwi ka na muna at kumuha ka nang ilang damit mo, anak. Tutal Sabado naman bukas. Dito ka na muna. Tamang-tama naman at magbabakasyon na.""May damit po ako sa quarters, papa," sabi ni Monique. Talagang nagdadala siya ng damit lagi para may maipampalit kapag naglilinis at nagdidilig ng hardin."Well kung ganoon, would you mind cook our dinner, Monique. Gutom na si Uncle," wika ni Morgan na matamis ang ngiti. Nagtaka si Monique kung bakit ang sweet ng tawag nito sa kanya ngayon."Dito ka na rin mag-dinner, Cedric, nang makapag-inuman naman tayo. Matagal na rin nang huli hindi ba
Last Updated : 2025-09-16 Read more