"Pwede na kayong magsimula sa trabaho mamayang gabi." Anunsyo ni Nanay sa aming mga naht-trabaho sa bar. Ilang buwan rin ang inabot bago napaayos muli ito. Tuwang-tuwa naman sila dahil sa naging anunsyo. "Salamat naman!" "Ikaw Selene, kamusta yang plano dyan kay Mr. Montenegro?" Tanong ni Nanay "Nakakapag bigay naman po siya ng maayos." "Maliit parin iyon, ang sabi ko sa'yo kunin mo ang loob niya, akitin mo ng akitin, jowain o asawahin mona, swerte kana sa yaman niyan." "Gagawin ko po ang makakaya ko." "Mabuti naman." "Oh siya, sige na at mag-ayos na kayo, alas sais pasin ng gabi magbubukas ang bar, paniguradong maraming customer ulit mamaya." Wika ni nanay saka umalis "Ayos, makakapag trabaho na ulit." Naka ngiting sabi ni Elara Babalik na ulit sa lugar kung saan ako sinanay. Ako lang yata ang hindi natuwa sa naging anunsyo ni nanay Sumapit ang alas sais ng gabi at nag ayos na din ako, mabuti nalang at hindi padin tumatawag si Dark. "Bilisan mona dyan, ik
Last Updated : 2025-10-21 Read more