Sa loob ng care facility, tahimik na kumakain ang matandang si Erenea sa kanyang kwarto. Amoy sabaw at gamot ang paligid. Sa tapat nito ay naroon, nakaupo ang tagapag-alaga rito, malumanay itong nakangiti habang binabantayan ang matanda, paminsan-minsan ay tinutulungan itong isubo ang pagkain.Sa bungad ng pinto, nakatayo naman roon si Scarlett, hindi makagalaw. Nakatingin lang siya sa kanyang lola, habang mabibigat na alon ng lungkot ang paulit-ulit na bumabangga sa dibdib niya. Sa bawat paghinga niya ay lalo niyang naramdaman kung gaano na kahina si Erenea... tila nawawala sa sarili, naglalakbay kung saan-saan ang isip, kung minsan ay tuluyan nang nawawala.Kung hindi dumating si Darius ngayong gabi, ayaw na niyang isipin kung ano pa ang puwedeng mangyari.Kamakailan, madalas nang mawala sa sarili ang lola niya. Pati ang sarili ay nakakalimutan na rin kung ano ang pangalan. Parang mga lobo ang mga alaala nito, lumilipad palayo, minsan bumabalik, pero kadalasan
Last Updated : 2025-10-07 Read more