Ella's POV Nandito ako ngayon sa kusina para magluto ng dinner namin. Habang hinahalo ko yung niluluto ko, dumating naman si Gab para kumuha ng tubig sa ref. "Wala ka bang balak mag-hire ng mga maids o kaya cook man lang?" I started a conversation habang focus ako sa ginagawa ko. "Hmm... Parang ayoko." Napatingin naman ako sa kanya. "Ha? Eh sinong magluluto para sa'yo? Hoy, Gab... pag nabalitaan lang naming nasus*nog na 'tong bahay mo dahil nagluto ka, mababatukan ka talaga namin ni Nica nang matindi." Sermon ko sa kanya. "FYI, marunong na kaya akong magluto tsaka dzuh, pwede naman akong magpa-deliver or kumain sa labas." Sabi nya. "If you say so..." Pagkatapos kong magluto, naghain na lang si Gab tapos tinawag ko na si Nica para kumain. While we're having dinner, nag-kwentuhan lang din kami tungkol sa mga bagay-bagay. "... Teka nga, bat ko pala kayo kinakausap eh nagtatampo ako sa inyo? Matapos nyo akong iwan sa bar nung nakaraan." Nagtatampong sambit ni Nica. "Eh pano nama
Last Updated : 2025-11-01 Read more