“You will know soon, Madam,” nakangising sagot ni Kirby. Sa wakas dininig din ng Diyos ang matagal na niyang pinagdarasal. Hindi naman natutuwa si Cassandra sa kalokohan ni Kirby at akmang bababa na nang itulak siya nito dahilan para kusang humakbang ang kanyang mga paa paakyat. Halos malalag ang kanyang mga mata sa kinalalagyan nito nang makita na nakatuon na ang atensiyon ng lahat sa kanya. “Finally, she’s here,’ wika ni Lenard at mabilis na lumapit kay Cassandra na hindi pa rin nakakahuma sa pagkabigla. Hinila ni Lenard ito palapit sa tabi ng apo. Mababakas din sa mukha ni Renzell ang gulat. ‘Ano ang ginagawa niya rito?’ tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ito. Napalunok siya nang umabot sa kanyang pang-amoy ang nakakaakit na aroma mula rito. Ang kagandahang taglay ng babae ay talaga naman nakakabighani.Lenard chucked again. He looks very happy. Pinag-isipan niya mabuti ang gagawin. Para sa kanya ay ito na ang tamang oras para ipakilala ang tanging granddaughter-in-law
Last Updated : 2025-11-12 Read more