“Mr.Lee, sandali lang po,” mabilis na hinabol ni Kirby si Mr.Lee na kasing bilis yata ng kuneho kung maglakad. Madapa-dapa na siya ay hindi niya man talaga maabutan ito. Malakas na mura ang pinakawalan ni Renzell nang huminto siya sa tapat ng bahay ng mga Alvarez. Alam niya na narito ngayon si Cassandra dahil inutusan niya si Kirby na alamin ang kinaroroonan nito. Huminga siya nang malalim ng ilang ulit bago tumingala at dumiretso sa isang balkonahe malapit sa kanyang kinaroroonan. Alam niya na ito ang silid ni Cassandra. “Cassandra, talk to me! I know you are there! I’m telling you, I will not stop until you come here and talk to me,” malakas ang boses ni Renzell na sigurado na maririnig kahit tulog na ang mga tao sa bahay na iyon. Ilang minuto ang lumipas ngunit walang Cassandra lumabas. At hindi dahilan iyon para huminto si Renzell. Ang kanyang sunod na ginawa ay halos ika-heart attack ni Kirby. “Mr.Lee, baka mahulog po kayo diyan,” mabilis na lumapit si Kirby kay Mr.Lee na
Read more