“I warn you, if my wife gets hurt I swear that I will end your life. Understood.” Napalunok ang General Manager at butil na butil na pawis ay namuo sa kanyang noo ngunit pinilit niyang sumagot dahil alam niya na ito ang nararapat. “Noted, Mr.President.” Iyon lang ang kailangan na sagot ni Renzell saka tumuloy sa labas na hindi man lang sinulyapan si Cassandra. Mabilis naman sumunod si Kirby ngunit isang sulyap na humihingi ng pasensiya ang ibinigay niya kay Mrs.Lee. Mapait na natawa si Cassandra. So, it was her again. Hindi na ba siya nasanay. She will always be a second choice. Muntik na sila mamatay pareho kani-kanina lang tapos may mga reporters pa sa ibaba na hindi niya alam kung ano ba ang gusto sa kanya. Napadako ang tingin niya sa General Manager. “Leave,” madiin niyang utos dito. Tumango naman agad ito saka tumalikod, kinuha ang kanyang cellphone dahil kanina niya pa nararamdaman ang sunod-sunod na pag-vibrate nito. Kumunot ang noo niya nang makita na parang pare-pareho
Last Updated : 2025-12-07 Read more