Matangos ang ilong nito pero halatang nagpadagdag lang naman para tumangos iyon, at ang dibdib nito na halos hindi na magsalubong ang botones ng uniform nito, hindi rin sigurado na natural iyon. "Bitawan mo ako, baka hindi mo kilala kung sino ako. Pakawalan mo akong hayop na babae ka." nanggagalaiti naman sa galit ang babae na napapangiwi dahil sa nakasabunot pa rin ako sa kanya. "Wala akong balak alamin kung sino ka, at hindi ako interesado. Pero hindi ako tatahimik lang sa mga tsismis na ipinakalat mo." sabi ko dito. Sa inis ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na sampalin pa ito. "Ahhh! Ang ilong ko." muli itong napasigaw dahil sa pagsampal ko dito ay hindi naiwasan na tinamaan nga ng palad ko ang ilong nito. Kaya ng tignan ko ang ilong nito ay tumabingi iyon. Napangiwi ako, hindi dahil nakikisimpatya ako kung masakit ba iyon kundi dahil ang pangit pala talaga nito ngayong nasira ang ilong nito. "Hayop ka, bitawan mo si Patrice," muli ay balak daluhan ng dalawang kasama ni P
Read more