Araw-araw, walang palya, buong puso ang aking paglilingkod sa kanya, isang ritwal na lubos kong natutuhan simula nang ako ay maging kanaryo niya. Sa paglipas ng mga araw, linggo, buwan, at taon, nasanay na ako sa ganitong pamumuhay, natututo akong tugunan ang mga pangangailangan niya sa lahat ng bagay kapalit ng malaking halagang ibinibigay niya. Ang perang iyon ang aking pag asa, sumusuporta sa aking pamilya na lubos na umaasa sa akin. "Ano? Kasama pa ba kita?" he asks, ang boses niya na nakapag gising sa akin sa kasalukuyan. Napakurap ako, doon ko napagtanto na nasa loob na kami ng banyo. Tulad ng nakagawian ko na, sinimulan ko siyang hubaran, inalis ang kanyang suit, kasunod ng pagbukas ko ng botones ng kanyang polo shirt. Matapos kong matanggal ang pang itaas niyang damit, isinunod ko namang pagtuunan ang kanyang sinturon. Maingat kong kinalas ang sinturon niya, kasunod ng pagbukas ng botones at zipper. Tinanggal ko ang pantalon niya kasama na din ang kanyang panloob. Napalu
Huling Na-update : 2025-09-23 Magbasa pa