Pinanlakihan niya ako ng mga mata, umiwas saka tumayo. Napagtanto ko kasi na mahilig siyang magbiro lalo na kapag ang mga kabiruan niya ay ang mga malalapit sa kanya pero kung siya ang bibiruin tulad ng ginawa ko ay madali siyang naasiwa. But to think of it, hindi naman talaga iyon biro, kundi totoo ang sinabi ko. Na kung gusto niya lang naman at makakalusot. Magiging maingat naman ako na huwag masaktan ang dinadala niya makaisa lamang ako ulit sa kanya. "Mauuna na akong umakyat, may nakalimutan pa pala akong gagawin," pang iiwas niya na hindi pa man kami nakakatugon sa pagpapaalam niya ay mabilis na siyang tumalikod at umakyat sa ikalawang palapag. Nakangiti akong sinundan na lang siya ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na siyang nakaakyat. "Pero sana naman, tito. Nag ingat ka, hindi mo pa sana binuntis si Avery dahil nag aaral pa lang siya," biglang sumabad si Tyron at hindi din nagustuhan ang naging biro ko. Tinignan ko siya ng seryoso, ngunit nagpatuloy lang siya sa kanyang si
Read more