3RD PERSON'S POV Nilingon ni Hunter ang guro. Bata-bata pa ito at mukhang hindi nalalayo ang edad kay Amara. “Yes, Ma'am?” ngiti niya sa guro. Maganda ito at sexy. Kulot na kulot ang buhok nitong hanggang balikat na nilagyan ng laso. “Tss!” lihim namang palatak ni Amara nang mapansin ang mga ngiti ni Hunter sa guro na nang mga sandaling iyon ay namumula ang mga pisngi nang ngitian ni Hunter. Sino ba namang hindi lihim na kikiligin kapag nginitian ka ng mala-greek God sa kagwapuhan? “Uhm, M-Mr. Montefalco, sandali lang muna. Hindi ba nasabi saiyo ng kambal na meron sila ngayong activity kung saan kinakailangan ng participation ng kanilang parent o guardian.” paliwanang nito dahilan para magkatinginan sila ni Amara. Parehas kasi silang hindi nasabihan. “Uhm, m-May pasok pa kasi—” “No problem.” mabilis namang putol sa kaniya ni Hunter dahilan para mapairap siya sa atribidang lalaki! “Pagdating sa babae, ang bilis talaga, eh no?” mahina niyang bulong. “May sinasabi ka
Read more