3RD PERSON'S POV “Hoy, Bruha! Este Amara pala! Natapos mo na ba yung nga pinagagawa ko?” puna ni Hunter nang lumapit ito sa kaniyang lamesa. May paghampas pa itong nalalaman sa table niya para lang kunin ang atensyon niya — kaya naman tiningala niya ito at binigyan ng nakamamatay na tingin. “Mr. Montefalco, defective ba yang mga mata mo? Can't you see? Nag-e-encode pa rin ako dito.” nakasimangot niyang sagot. Tinuro naman ni Hunter ang kaniyang wristwatch. “5 pm na, oh! Uwian na.” “Eh, di umuwi ka na. Wala namang pumipigil sayo.” pabalang nitong sagot. Tumibok ang ugat niya sa ulo. Konti na lang talaga mapipigtal na ang pasensya niya sa babaeng kaharap na kung makasagot ay akala mo ito ang Boss sa kanilang dalawa. “Di ba, sabi ko sayo tapusin mo yan hanggang five?” “Wala pa namang 6 pm, ah? It's still five. Tsaka pano ko to matatapos kung panay ang kausap mo sa 'kin? Kanina ko pa sana tapos to, kung di lang ako pinatawag sa HR office, kanina.” reklamo nito. Sa halip
Read More