3RD PERSON'S POV “Ang sabi ko, kapag dumating si Hunter, h'wag nyong pagbubuksan ng gate. H'wag nyong papapasukin ang siraulong yon, maliwanag ba?” “Pero, Madam...” pag-aalinlangan ng nasa kabilang linya. Malakas namang napapalatak si Miracle. “Fred, walang pero-pero... Sundin mo na lang ang utos ko, okay?” mariin niyang sabi. “Madam, mahirap po yan... Kilala nyo naman po si Senyorito... T'yak na malalagot kami sa kaniya.” kakamot-kamot nitong tugon. Marahas na napabuntong hininga si Miracle. “Hayst! Ano ba naman kayo?? Bakit ba takot na takot kayo sa anak kong yon? Sige, ganito na lang. If ever na magpumilit s'ya, sabihan n'yo ko at ako ang magtataboy sa bwiset na yon!” “Mabuti pa nga po, Madam.” napapakamot na tugon ni Fred. Samantala, na-track naman ni Hunter ang kinaroroonan ni Amara. Lingid sa kaalaman nito ay nilagyan niya ng tracking device ang phone nito nang minsan itong natulog sa kaniyang bahay. Ginawa niya iyon upang malaman ang eksaktong kinaroroonan ni Amara sa t
Read more