AMARA'S POV Hindi ako nakaimik. Muling nagsalita si Mommy. “Matagal na bang alam ni Miguel na hindi sa kaniya ang kambal?” sa halip ay tanong niya sa 'kin. Tumango ako. “Bago pa po kami magpakasal, alam na po n'ya na buntis ako. Wala naman pong nangyari sa' min sa loob ng five years naming pagsasama. Never po niya akong ginalaw.” sagot ko. Paano namang hindi ako gagalawin non eh, bakla si Miguel? Pero ang bagay na yon ay hindi ko na dapat pang sabihin kay Mommy. Hindi sa wala akong tiwala sa kaniya kundi alam kong hindi tama na sabihin ko sa iba ang tungkol sa totoong pagkatao ni Miggy. Hindi naman na kailangan. So, bakit ko pa sasabihin? Tumango-tango si Mommy. “What about, Hunter? Alam na ba niya na anak n'ya ang kambal?” Napalunok ako ng mariin bago tumango-tango. “Yeah. Alam na po n'ya, Mommy. Sa totoo lang po, natatakot ako na baka kunin niya ang kambal sa 'kin...” nanginginig ang mata ko dala ng pag-aalala. Hinagod niya ang likod ko. “Calm down, anak. I don't think Hunt
Read more