Rhiya: “Salamat, Sir. Buti na lang talaga nakita niyo ko.”Azriel: “Pasakay na ko sa kotse ko nang marinig kong nagkakaingay rito. Kaya napapunta ako. Ayos ka lang ba? Akala ko ba uuwi ka na?”Rhiya: “Uuwi na nga, Sir. Kaya ako andito naghihintay ng masasakyan pauwi. Hindi naman po ako mayaman kagaya niyo, wala akong service. Ayos na po ako dahil sa inyo. Thank you po sa pag tulong sa akin.” Azriel: “Walang anuman. Halika sa kotse ko, ihahatid na kita. Sabay ka na lang sa aiin pauwi kapag wala kang masakyan para iwas aberya.”Rhiya: “Naku, nakakahiya naman Sir.”Azriel: “Huwag ka ng mahiya. Ayos lang. Tara.” hinawakan ni Azriel ang kamay ni Rhiya at halos mag wala ang puso ng babae roon. Bumilis ang Tibok sa sobrang kilig habang nakatitig sa likod ng CEO.Rhiya: “Grabe, ang pogi. Akala ko sa mga telenovela lang talaga may kagaya niya? Mala-Prince Charming ang atake.”Azriel: “Ha? May sinasabi ka ba, Rhiya?” tanong ni Azriel saka bumitaw sa pagkakahawak sa Sekretarya. Pakiramdam tulo
Baca selengkapnya