“Ako si Sharon McArthur Astillero, tinatanggap si Cristian Anas bilang aking asawa. Nangangako akong maging iyong sandalan, iyong kaibigan, at iyong mahal, ngayon at sa lahat ng araw ng ating buhay. Alam kong alam mo noon pa man. Ang pag-ibig ko sa iyo ay kasing lawak ng kalangitan at kasing lalim ng karagatan. Ipinapangako kong alagaan ka at mahalin ka habang buhay. Sa tuwing gigising ako sa umaga, palaging ikaw ang unang nais kong makita. Ipinapangako kong maging tapat sa'yo, sa kaligayahan at kalungkutan, sa yaman at kahirapan. Hindi kita iiwan o ipagpapalit, sabay tayong mangangarap at bubuo ng masayang pamilya habang buhay.”Bumilis ang tibok ng puso ni Cristian nang marinig ang sinabi ng babae. Nag palitan sila ng singsing. Labis ang sayang naramdaman nila sa mga oras na iyon habang patuloy na nagsasalita ang Pari. Nang matapos sa isang matamis na halik, dumiretso na sila sa Hotel dahil doon gaganapin ang celebrations.Cristian: “Ang hilig mo kasing manood ng Highschool Romance.
Mehr lesen