Hindi pwedeng lahat ng babaeng magagandahan siya ay hahalikan nalang niya. Isa pa, sila pa ni Dastan. Tanging si Dastan lang ang tumanggap sa kanya kahit na may masama siyang naranasan noon. At nirerespeto pa rin siya nito bilang isang babae. Mabilis na pinulot ni Elena ang kanyang mga gamit at sumakay ng taxi papunta sa sakayan ng Bus pa-Batangas. Doon kasi sila nakatira. Namimiss na niya ang mga anak niya at pihadong ganoon rin ang mga ito. Dahil sa pagkabigo sa pagiging maid, secretary ay nagpasya nalang si Elena na gawing Capital ng business ang natira niyang pera. Hindi na niya kinuha ang isang linggong sahod niya. Saktong 7 days ang ipinasok niya, hindi siya nakauwi nung nakaraan dahil naging abala siya sa trabaho.Dumiretso siya sa bahay nila sa Batangas malapit iyon sa tabing dagat. Naabutan niyang naglalaro sa buhanginan ang kanyang tatlong anak. Sinalubong siya ni Helios, Eros at Scythe. Nakangiti ang gwapong muka ng mga ito. Habang mabilis na nagpapaunahan sa pagtakbo patu
Read more