Sino ba namang tao ang matutuwa kung ganoon ka itatrato ng sarili mong kasintahan? parang hindi siya mahal at luho lang nito ang habol sa kanya. "Natauhan na 'ko, Stacy. Natauhan na." malungkot niyang turan. Kahit papaano gumaan na ang kanyang pakiramdam nang sabihin ang saloobin niya na kinimkim niya ng ilang taon."S-Sorry.." humahagulgol na sabi ni Stacy kay Hades. Malungkot na ngumiti si Hades. "No need, the damage has been done. Tuluyan na 'kong nawalan ng pagmamahal. Gusto kong tapusin na ang namamagitan sa'tin. Siguro nga, hindi ako ang nilaaan para sayo. Dahil kung ganoon, hindi mo sasayangin ang pagmamahal ko. Stacy, minahal talaga kita. Sobra. Pero hindi habang buhay magpapakatanga ako sayo." aniya sa malungkot na boses."Sorry, B-Babe..Please, huwag naman ganito...Ayusin natin ito. Please.." makaawang saad ni Stacy. Sabay sabay na tumutulo ang luha sa magandang mata niya. At halos manikip na rin ang dibdib niya. Pero wala na siyang magagawa dahil buo na ang desisyon ni Had
Mehr lesen