Nanginig sa galit si Kassandra. "Kassey, pag ibig lang ba ang mahalaga sayo? paano ang dugong nananalaytay sa ating dalawa? Hindi ba't kambal tayo? Bakit mo nagawa sa'kin ito? bakit mo hiniling at hinayaang maaksidente ako? at worst nagbayad ka pa ng tao para lang isabotahe ang kotse ko! Kassey! Buong akala namin ay mabuti kang kapatid at anak..Buong akala namin isa kang anghel. Dahil sa kabaitang taglay mo. Sa ating dalawa ikaw ang mas pinapaboran. Dahil may sakit ka, kailangan kang intindihin at mabait ka. Hindi kagaya ko, matapang at masyadong warfreak kaya wala silang pakielam kung makapanakit ako ng kapwa ko. Pero ikaw? iba ka e. Noong nalaman kong ikaw ang may pakana ng aksidente ko. Hindi ako makapaniwala hanggang sa makita na mismo ng mata ko ang dahilan kung bakit mo iyon nagawa.. Kassey, akala ko ba kambal tayo? akala ko ba ayos lang sayo at papayag kang maging bridesmaid ko? Bakit inagaw mo siya? B-Bakit nagawa mong itapon ang pinagsamahan nating dalawa para lang sa lalakin
Read more