"Oo, Rohesia. Kaya nga noon, kaya pala palagi tayong karga ng mga magulang natin kasi kapag tumanda, walang ibang bubuhat satin kundi sarili lang natin." seryosong sabi ni Mariz."Oo nga no, Kaka miss tuloy maging bata. Malayo sa problema. Kaya pala yung mga magulang natin ayaw tayo malingat sa paningin nila noon, dahil taon bago ka nila makasama ngayon." seryosong sabi ni Rohesia. "Narealize ko lang, sa mga pinag daraanan mo ngayon. Kaya pala hinahayaan tayong kumain ng matamis noon kasi mapait pala ang buhay ngayon. Isa pa, kaya pala hinahayaan tayong mangarap nung bata tayo, kasi kapag tumanda mapapagtanto mo na posible palang mangyari lahat ng bagay kung pagsisikapan mo." malungkot na boses ni Mariz habang kausap si Rohesia."Kaya pala masaya tayo kahit walang wala tayo noon kasi hindi pala mabibili ng pera yung saya na hinahanap natin ngayon. Ang hirap na sumaya. Parang malabo na akong sumaya maliban kung makauwi na ako sa'min." dugtong ni Rohesia. Natapos ang kanilang pag uusa
Mehr lesen