"Ako na, simula ngayon. Ako na ang gagawa nito. Kung hindi ako pagod, pagsisilbihan kita na parang Prinsesa. Ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga." nakangiti nitong sagot.Gumaan bigla ang pakiramdam ni Daphne, dahil nakikita niya ang malaking pagbabago nito. Malapit na niya itong mapatawad. Konti pa."Ayan, ayos na. Puwede kana matulog." nakangiti nitong sabi."Salamat." tipid niyang sagot.Nang marinig ang sinabi ni Daphne, lalo itong napangiti. Napansin naman ng babae ang kagwapuhan nito. Kahit noon pa naman."Babawi ako. Babawi ako sayo, kahit anong mangyari." desidido nitong sabi.Kinabukasan..Nagising si Daphne na nakayakap kay Jasper. Hindi naman nito iniipit ang kaniyang tiyan. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. "Gising kana pala?" bigla nitong sabi habang nakangiti."Anong nginingiti mo riyan?" masungit niyang sagot."Wala lang. Mukang ang sarap ng tulog ng magiging misis ko. Pati ako, lalo na nang yakapin mo ako. Hindi ko na nga tinanggal kasi pansin kong komportable
Read more