“Nay Norma, nakapagluto na po ba kayo? Sorry hindi na po ako nakatulong, natulog po kasi ako,” ani Gaile habang naglalakad papuntang kusina. Hindi nito napansin si Tristan na nasa loob ng Office nito.“Gaile, Diyos ko kang bata ka. Pinag-alala mo ako!” anang matanda na lumabas ng office ni Tristan para salubungin ang babae.“Nay, ano pong ginagawa ninyo sa office ni Tristan?” nagtatakang tanong niya rito. Doon naman tumayo sa swivel chair ang lalaki at naglakad palabas. Agad namang umiwas si Gaile, aakyat sana siya ulit sa hagdan pero napigilan siya ng asawa sa braso.Napapailing naman si Manang Norma. “Tristan, Gaile, alam kong wala akong karapatang mangealam pero bilang nakakatanda, ayusin ninyo ang relasyon ninyong dalawa. Subukan ninyong kilalanin ang isa't isa para gumanda ang pagsasama ninyo,” anang matanda bago ito naglakad papunta sa kusina.“Ang braso ko. Pakibitawan,” masungit na utos ni Gaile sa asawa. Hinila lang naman siya nito papunta sa kusina. “Ano ba, kaya kong magl
Last Updated : 2025-10-27 Read more