共有

Chapter 21

作者: Lady Fei
last update 最終更新日: 2025-10-26 00:25:41
Pagdating ni Gaile sa likod ng auditorium ay nakita niyang naghihintay na si Krystal. Hindi nito kasama ang mga alipores dahil malamang ay nahihiya itong malaman nila kung sino talaga ang designer sa kanilang dalawa.

“Ano ba ang sasabihin mo, ate Krystal?” tanong niya rito nang makalapit.

“Ano pa ba sa tingin mo? Wala ka pa bang nagagawang bagong designs?” iritableng tanong nito. Pinapalo pa nito ang braso at mga binti na para bang napakaraming insekto sa lugar na 'yon.

“Wala pa,” maiksing tugon niya rito bago akmang aalis. Agad namang nahila ni Krystal ang buhok niya.

“Gaile, hinahanapan na ako ng new designs. Kailangan mo nang tapusin 'yong ginagawa mo! Kung hindi–”

“Kung hindi, ano? Puputulin mo ang allowance ko? Hindi mo babayaran ang tuition f*e ko?” aniya bago tinabig ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya.

“Aba, malakas na ang loob mong sumagot ngayon?” namaywang ito habang nakataas ang kilay. “Dahil sa akin, nakakapag-aral ka!”

“Tingin mo ba, sapat na kabayaran ang pag
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 32

    Sinundan ni Gaile si Fiona na naglalakad palapit kila Tristan at Aria. Sinubukan niyang pigilan 'to pero nakalapit na 'to sa dalawa.“Oh! Uncle Tristan, what a coincidence! Kasama ko ang ASAWA mo,” wika nito bago kumaway sa dalawa. Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao sa pwesto ng mga ito.Tumingin naman si Tristan sa kanya at nagtama ang mga mata nila pero siya ang unang umiwas. Namula ang pisngi niya kasi naalala niya ang muntik na mangyari sa kanila kagabi lang.“Oh, Gaile. Come here, darling,” wika naman ni Aria. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. “I hope you don't mind na kasama ko si Tristan,” wika nito na tumayo pa at bumeso sa kanya.“You still wearing your school uniform, ibig sabihin may klase pa kayo?” tanong nito na pinagdiinan pa ang pagsabi ng school uniform na parang pinapamukha ba bata pa siya.“Yes, Tita Aria. May klase pa kami mamaya,” si Fiona ang sumagot at pinagdiinan ang salitang Tita.“Dito na kayo sa table namin,” wika naman ni Tristan na paran

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 31

    “Gaile, I need to go... May emergency si Aria, hindi ko siya pwedeng pabayaan,” wika ni Tristan nang matapos ang tawag...“Ok...” tugon niya sa mahinang tinig.Kanina lang, kung makahalik ay parang mahal na siya nito. O sadyang tanga lang siya at nagpapadala sa bugso ng damdamin. Masyado siyang assuming.Paglabas ni Tristan sa kwarto ay doon tumulo ang luha niya. Kung bakit ba kasi napakarupok niya. Hindi na tuloy niya alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. ***Kinabukasan ay si Krystal agad ang sumalubong sa kanya pagpasok sa school. Hinila siya nito papunta sa likod ng school building tapos inihagis sa mukha niya ang files na naglalaman ng mga designs niya.“Bwis*t ka talaga, Gaile! Plinano mo ba talaga na mapahiya ako! Ha!” halos umusok ang ilong na tanong nito.Dinampot naman niya ang mga papel na nagkalat sa lupa. “Bakit? Hindi mo ba nai-present ng maayos ang ideas?” aniya habang walang emosyong nakatingin dito.“Sinadya mong magpasa ng panget ng designs para m

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 30

    Pagkauwi nila sa bahay ay agad na dumiretso sa library si Gaile. Binuksan niya ang pinto pero naka-lock ito. Nang-paalis na siya ay nakita niya ang asawa na nakasandig sa dingding at matiim na nakatingin sa kanya. Wala naman siyang ibang dadaanan kundi ang gawi nito, maliban na lang kung papasok siya sa kwarto nila. Tumaas ang gilid ng labi ni Tristan at halatang nanunudyong nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito at binuksan ang pintong katabi ng library. Wala naman siyang choice kundi ang pumasok sa kwarto nila kesa dumaan sa tabi nito. Pagkapasok ay dumiretso siya sa closet para kumuha ng bihisan. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa banyo. Paglabas niya ay nakita niya ang asawang nakahiga sa kama, walang pang-itaas na damit at tanging shorts na pambahay ang suot. Agad siyang umiwas ng tingin at tinungo ang pinto. “Gaile, let's talk,” wika nito. Tinatamad na humarap siya sa asawa pero hindi siya makatingin dito. Naaasiwa siya sa ayos nito. “Gaile, alam kong galit ka. Iba

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 29

    “Sir Tristan, uuwi na po ako. Ihahatid ko lang po si Ma'am Gaile,” ani Mang Damian pagkahatid kay Tristan.“No, Mang Damian. Pabayaan ninyo siya,” aniya bago inabala ang sarili sa trabaho. Magalang namang nagpaalam si Mang Damian na pupunta na lang sa Cafeteria. Pagkaalis nito ay siya namang dating ng kanyang secretary at personal assistant.“Paul, kumusta ang inutos ko sa 'yo?” tanong niya rito.“Sir, nakuha ko ang CCTV footage sa labas at loob ng bar,” binigay nito sa kanya ang kopya.Kitang-kita sa CCTV na bumaba sa sasakyan ang dalawang lalaki at pinagtulungang ibaba si Gaile. Wala siyang malay ng ipasok sa bar, kung titignan ay parang lasing ang dalaga pero wala talaga itong malay.“Sir, tinakot ko na rin ang mga staff. Umamin na sila na hindi lasing si Gaile at wala siyang malay nong dalhin sa VIP room,” ani Paul kaya kinamot niya ang kilay habang mariing nakapikit.“Ibig mong sabihin, inosente si Gaile?” tanong niya rito.“Sir, nahuli na din po 'yong dalawang lalaki at sinabin

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   chapter 28

    Kinabukasan ay maagang nagising si Gaile para iwasan ang asawa. Pero pagkamalas-malas talaga dahil nadatnan pa rin niya ito na nagbi-breakfast. Aalis na sana siya kaso nakita siya ni Manang Norma. “Gaile, halika muna magbreakfast,” wika nito bago siya pinaghain. Amoy na niya ang bacon kaya kumalam ang sikmura niya. Naupo siya malayo sa asawa kaya naman doon na din dinala ni Manang Norma ang pagkain niya. Pagkatapos ay iniwan na sila nito sa dining area. Walang kumikibo sa kanila ni Tristan. Tanging mga kutsara at tinidor lang ang naririnig hanggang sa hindi nakatiis si Tristan at tinignan si Gaile. “Pina-freeze ko ang mga bank accounts mo. Grounded ka rin hanggang sa makagraduate ka,” wika nito. Ilang weeks na lang naman at makakagraduate na siya. Ang problema niya ngayon ay kung paano makakapag-exam. “Paano ang exam ko?” napipilitang tanong niya dito. Ayaw sana niya itong kausapin pero mas mahalaga na makapag-take siya ng exam. “Naisip mo ba 'yan kahapon nong magbulakbol

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 27

    “Gaile, nak?” Agad na napatayo mula sa pagkakatalungko sa gilid ng kwarto si Gaile. Para siyang nakahanap nang kakampi at patakbong niyakap si Manang Norma.“Nay Norma,” bulalas niya bago bumunghalit ng iyak.“Ano ba ang nangyari? Bakit ganyan ang ayos mo?” masuyo nitong hinagod ang likod niya. Umiling lang siya dahil hindi niya kayang magsalita sa sobrang sama ng loob. Napapasigok pa siya habang umiiyak.Lahat ng hinanakit niya mula kaninang umaga nang sampalin siya ng mga magulang niya hanggang sa panghahamak ng asawa sa pagkatao niya ay ngayon lang niya tuluyang nailabas habang nakasubsob sa balikat ng katiwala.Hinagod naman ng ginang ang likod niya at nang medyo humina na ang pag-iyak niya ay inalalayan siya nitong maupo sa gilid ng kama. Kumuha ito ng tubig sa mini ref at binigay sa kanya.Ininom naman niya agad ang tubig para pakalmahin ang sarili. Inalalayan din siya ng ginang papunta sa banyo para ayusin ang sarili. Inalis niya ang makapal na make up at nagbihis ng pantulog.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status