“Ganito na lang,” mahinahong sabi ni Cassie habang pilit na pinananatiling kalmado ang boses. “May pera na tayo. Hahanapin natin si Mama sa lalong madaling panahon, magpapa–bone marrow transplant ka, at kapag maayos ka na, ibibigay ko sa’yo ang kumpanya. Sa’kin na lang ang pagkain, gala, at lahat ng kalokohan.”Sinakyan niya ang biro upang gumaan ang usapan, ngunit biglang natahimik si Carlo. Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, at napalitan ng bahagyang lungkot.“Don’t worry,” mabilis na dugtong ni Cassie nang mapansin ang reaksyon ng kapatid. “Mahahanap natin si Mama. I promise.”Ngunit hindi pa rin nagbago ang tingin ni Carlo. Mahina niyang itanong, “Ate… what if mahanap natin siya, pero huli na? Paano kung matagal na pala siyang wala? O kaya naman, ayaw niyang magpa–bone marrow transplant para sa’kin? Mas masakit… what if ayaw niya rin tayong kilalanin?”Napasinghap si Cassie, ngunit hindi agad nakapagsalita.“Even if willing siya,” patuloy ni Carlo, pinipigilan ang s
Terakhir Diperbarui : 2026-01-13 Baca selengkapnya