NASA BIYAHE na sina Samantha papuntang KIA Airport, sa backseat sila nakaupo nina Cedric at Spade, habang nasa passenger seat si Mihai at kumuha lang sila ng taong maghahatid sa kanila.Tahimik lang si Samantha sa kinauupuan niya, ang pag punta nila sa Romania ay hindi niya lubusang maisip na mangyayari. Akala niya pag nakilala na ni Spade ang totoo nitong ama ay hangganh doon nalang, yet Cedric wants to take the responsibility as the father. Para kay Samantha, sapat nang sila lang dalawa ni Spade, pero alam niyang ramdam ni Spade ang kulang sa pagkatao nito, at napunan lang nang makilala na nito si Cedric.At ang isang hindi pa maintindihan ni Samantha ay ang kabog ng dibdib niya para kay Cedric. May ideya siya, yet ayaw niyang mag-assume sa kaniyang sarili na ang dahilan ng pagkabog ng dibdib niya ay dahil may nararamdaman siya para kay Cedric."What are you thinking?"Napalingon si Samantha kay Cedric na nakatingin sa kaniya, isa pa iyon sa napapansin ni Samantha sa kaniyang sarili
Last Updated : 2025-11-09 Read more