TAHIMIK AT nakatulala si Samantha sa kisame ng kaniyang kuwarto. Hapon na ng makatapos sila ng movie marathon na nangyari, at buong oras sa Cinema room ay walang imik si Samantha, pero hindi binitawan ni Cedric ang mga kamay niya.Naguguluhan siya sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Cedric, ayaw niyang ma-misunderstand ang mga pinapakita at ginagawa ni Cedric sa kaniya, he still a man and she's a woman.Inaamin ni Samantha na kumakabog ang puso niya dahil kay Cedric, magaan ang pakiramdam niya pagkasama ito, at masaya siyang nagpapaka-ama talaga ito kay Spade. Mas nakikita at nakikilala niya si Cedric habang nakakasama niya ito. At ang halikan nilang dalawa, ay katulad ng kung paano siya unang halikan ni Cedric sa manor ng tiyahin nito."Sa tingin ko nagkakagusto na talaga ako kay Cedric, sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa lalaking 'yun." ani ni Samantha na paupong ikinabangon nito.Kung hindi inuhulog ni Cedric sa aquarium ang cellphone niya ay baka tinawagan na ni Samantha upan
최신 업데이트 : 2025-12-04 더 보기