ArgusA/N: Bicol Language Used, Filipino Translation provided“Ayan sir Argus, konting panahon na lang, makakalakad ka na ng walang tungkod!” sabi ni Bonnie ang aking therapist“Salamat Bonnie!” sagot ko naman dito matapos kong maupo sa upuan habang nakaalalay naman ang tungkod koHindi na ako gumagamit ng wheelchair at sa pagpupursige ko ay unti-unti, nakakalakad na ako gamit lang ang tungkod.“Konting panahon na lang, hindi mo na kakailanganin ang tungkod sir!” positibong sabi ni Bonnie at yun ang inabutang tagpo ng aking Nanay“Hay salamat naman sa Diyos kung ganun, Bonnie! Salamat din sayo dahil sa pagtitiyaga mo sa anak ko!” ani Nanay Pilar“Naku Nanay, trabaho ko po yun! Isa pa, pag ganitong palaging masarap ang pagkain na hinahain ninyo, ginaganahan ako sa pagtatrabaho!” ani Bonnie kaya natawa naman ang Nanay ko“Hay naku, binola mo pa ako!” sabi pa ni Nanay sa kanya pero umiling naman agad si Bonnie“Hindi po! Totoo po yun Nanay! Sabi nga ng girlfriend ko, ang taba ko na daw
Terakhir Diperbarui : 2025-12-10 Baca selengkapnya