Natahimik siya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa anak nila na hindi siya pwedeng bumalik sa kaharian lalo na at wala na siyang puwang sa palasyo dahil may fiance pa rin itong naghihintay doon."Kung hindi ka sasama, hindi din ako sasama, mommy." Sabi pa nito kaya mas napatitig siya sa kanyang anak.Niyuko niya ito at paluhod na niyakap."Mahal na mahal ka ng mommy, Idris. At ayaw ko ding mawalay kang muli sa akin." Sabi niya dito.Tinugon ng anak niya ang mga yakap niya kaya may namuo na namang luha sa kanyang mga mata dahil sa kagalakang nasasanay na ang anak nila sa kanya."Mommy, gusto kung ihuli ka ng kuneho." Muli ay sabi nito kaya nakalas niya ang yakap dito.Magaang ipinatong ang kamay sa ibabaw ng ulo nito saka ngumiti. "Gusto mo bang lumabas? Sa likod ng mataas na bakod na iyan ay pwede tayong manghuli ng mga kuneho." Sagot niya dito.Tumango ito na may guhit ng ngiti sa mga labi. Napatitig pa siya dito dahil unang beses niyang makikitang ngumiti ito at lumiwanag p
Read more