Tahimik ang gabi. Ang hangin ay malamig, pero may lambing na parang yakap ng alaala. Sa loob ng maliit na silid, naririnig ko ang mahinang iyak ng sanggol, ang tunog na pumupuno sa bawat puwang ng puso kong matagal nang basag.Nanganak ako kanina. Isang malusog na batang lalaki.Habang nakahiga ako, pinagmamasdan ko siya. Ang balat niya ay maputi, ang buhok ay itim na itim, at ang mga mata niya, bagaman hindi pa ganap na bukas, ay may liwanag na pamilyar sa akin.“Hi, baby,” mahina kong sabi, sabay haplos sa pisngi niya. “Welcome to the world.”Lumapit ang nurse sa akin. May ngiti sa labi niya. “Ang gwapo ng anak mo, Cassandra. May pangalan na ba siya?”Ngumiti ako, kahit may luha sa gilid ng mata. “Oo. Rico Morgan Varela.”Tumahimik ang nurse, parang alam niya ang bigat ng pangalang iyon. “Magandang pangalan,” sabi niya, sabay alis.Naiwan kaming dalawa, ako at si Rico. Hindi ang Rico na nawala, kun’di ang Rico na muling bumalik sa anyo ng pag-asa.Habang pinagmamasdan ko siya, bumal
Read more