Share

CHAPTER 2

Author: kkyrieehale
last update Huling Na-update: 2025-10-16 20:34:03

NAGISING ako sa paulit ulit na tunog ng alarm clock ko, agad ko iyon inabot at in-off at nagpakawala ng buntong hininga.

Napamulat ako ng mata, nakatitig lang sa kisame, hindi ko alam kung kakayanin kong tumayo ngayong araw, kung kakayanin ko bang magsimula ulit.

Ayokong may nakakainis nanaman na balita ang malaman ko, napapunas ako sa kapiranggot na kuha mula sa gilid ng mata ko.

“Hays, ang aga aga Bela e!” inis kong sabi sa sarili ko.

Kinuha ko ang phone ko mula sa side table, puro mga message lang sa gc namin tatlo ni Cheska at Stacy, sa mga kakilala, supplier, mga kilala ko ng customer at iba pa. Inilapag ko ang phone ko at tumayo, maglalakad na sana ako palabas ng kuwarto ng biglang tumunog ang phone ko, senyales na may ng pop up na message.

Pag open ko ay email siya galing sa landlord. Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa ko. Napakuskos pa ako sa mata ko kung totoo ba ang nababasa ko, at ng makumpirma ay napatalon ako bigla sa tuwa.

“AHHHHH!” tili ko at nag tatatalon.

Pero… sinong nagbayad sa utang? tapos may 1 year advance payment pa na bayad rin? wait… hindi kaya..

“Oh shit!” singhal ko, dahil muntik ko ng mabitawan ang phone sa sobrag gulat ng mag ring ito.

Pagtingin ko sa screen ay unknown number at agad na sinagot.

“H-hello? sino to?” tanong ko agad

“Bela…” biglang nawala ang kaninang excitement na naramdaman ko ng marinig ang boses sa kabilang linya. “Saan mo nakuha ang number ko?” walang buhay kong tanong.

“Sa… sa landlor–”

“Ikaw ang nag bayad?!” putol ko sakaniya.

“Yes, a..a…alam ko kung gaano kaimportante at kung gaano kahalaga sayo ng restaurant na iyon… at.. at yun lang ang tanging naiwan sayo ng papa mo.” sagot nito.

“Insulto ba to?” inis kong sabi.

“No no no! Bela, just here me out please.. just this one.” saad nito

Ibaba ko na sana ang tawag ng magsalita pa siya ulit. “Please anak.. please!” pagmamakaawa nito.

Itinapat ko ang phone sa tenga ko, dinig ko ang hikbi niya pero di ako sigurado kung totoo ba yon o drama lang niya.

“Anak please… please.. kahit ngayon lang…” hagulhol nito.

Tumikhim lang ako, hindi ako nagsalita. “Salamat Bela, salamat!” hagulhol pa niya.

Napairap nalang ako sa kawalan, dahil sa inis na marinig siya ngayon.

“I… i’m getting married next week, and.. and i want you to come.. gu..gusto kong makita ka sa pinakamasayang araw ng buhay ko Bela, Anak..” saad nito.

Napangisi ako at bahagyang nanginig ang labi dahil sa pagpipigil ko ng luha. “So suhol pala ang ginawa mo?” tanong ko. “No hindi yon ganon… gusto ko lang bumawi sayo anak, alam kong late na but please.. hayaan mo akong makabawi” mabilis na sago nito.

“Lakas ng loob mong sabihin sakin na ikakasal ka na! tapos tangina! sasabihin mo sakin na gusto mo present ako sa pinakamasayang araw ng buhay mo?! baliw ka ba?! anak mo ako! anak mo na iniwan mo para sa ibang lalaki tapos gusto mo damayan kita sa PINAKAMASAYANG ARAW NG BUHAY MO?! NAG IISIP KA BA HA?!” sigaw ko at ibinato ang phone ko sa kama ko.

Humagulhol lang ako ng humagulhol at napa-upo sa sahig.

Ganito ba talaga ang buhay ko?

Ganito ba talaga ang tindhanang mangyari sakin?! ang maranasan ko?! ano bang kasalanan ko para danasin lahat to?

Pauli ulit na tanong ko sa sarili ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.. Parang sa bawat araw na sasalubungin ko puro pasakit, kung makakaranas man ko ng saya panandalian lang, pagtapos non sobrang sakit ng kapalit.

Tumayo ako at pinunasan ang mukha ko gamit ang palad ko, hindi dapat ako magmukmok…

Dumeretsyo agad ako sa banyo at naligo para ma-fresh-en up ang utak ko. Kailangan kong mag refresh, kailanga wala akong dala dalang bigat pagbalik sa restaurant… Iisipin ko nalang na utang ko sakaniya ang ipinangbayad niya, at babayaran ko siya.

PAGDATING ko sa restaurant ay nakangiti akong binati ng lahat, sinabihan ko sila na wag isipin ang mga problema at mag focus lang sa trabaho, at dumeretsyo na ako sa office ko.

Habang busy akong nakikipag usap sa mga supplier ay bigla nalang pumasok ang isa sa mga waitress, si Lanie.

“Ms Bell! Ms. Bell!” na eexcite nitong tawag sakin.

“Yes Ate Lanie? may… may problema ba?” tanong ko. “Sumulip po muna kayo sa loob…” nangingislap nitong pag aaya sakin. Hinila niya ang kamay ko at nagpatianod nalang ako sakaniya ng hilain niya ako.

Nang makita ko ang loob ng restau, halos maluha ako… Hindi ako makapaniwala… paanong… paanong nagkaroon bigla ng maraming costumer ngayong araw?

“Grabe Ms. Bell! congratulations po!” saad nito sakin, maluhaluha pa ito habang nakangiti. “H-hindi ba ako nananaginip?” tanong ko. “Hindi po..” sagot niya

“Aray!” napapitlag ako ng maramdaman ang kurot niya sa tagiliran ko. “Diba?” nakangiti nitong sabi, kaya napangiti nalang rin ako.

Habang pinagmamasdan ang mga costumer na kumakain at ang iba ay masayang nagkukwentuhan habang naghihintay sa order ay may napansin ako sa labas.

Nakatayo siya roon, nakangiting nakatingin sa restaurant…

Agad akong nagtungo sa office at kinuha ang phone ko at agad na dinial ang number niya.

“Ikaw ba may gawa nito?” tanong ko ng sagutin niya ang tawag. “Lahat gagawin ko anak, maging masaya kalang” mahinahon nitong sabi na nagpakulo sa dugo ko.

“Hindi ka ba titigil?! okay! thankyou sa tulong mo pero pwede ba? lubayan mo ako! kakayanin ko ‘to, alam kong kung hindi dahil sayo hindi makakabangon ulit ang restaurant, pero this? binayaran mo ba ang mga tao kaya sila nandito ngayon?” saad ko sa sobrang galit.

“Gusto ko lang makatulong” sagot niya

“Nandoon na tayo! sapat na yung natulong mo sa binayad mo sa landlord pero yung magbabayad ka ng tao? para pilitin kumain dito?! isang malaking kalokohan! paano ako matutuwa kung alam kong bayad sila?! at alam kong hindi sila nandito kasi gusto nilang kumain dito!, naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko?” litanya ko, mahigpit ang hawak sa phone ko na kulang nalang ay mayupi ito.

“O-okay i’m.. i’m sorry, hindi na mauulit” saad nito at ibinaba na ang tawag.

Pabagsak akong napaupo sa upuan ko, napasabunot nalang rin ako sa sarili ko kasi… bakit? bakit ako nagkakaganito? agad agad napu-frustrate ako?

Nilalamon na ba ako ng galit? ng sama ng loob? ayokong humantong sa punto na dahil sa galit ko sa Nanay ko ay… magalit narin ako sa mundo..

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • In My Stepbrother’s Bed   Chapter 15

    “Keiran, can you not work for one day?” reklamo ni Cheska habang naglalagay ng sunscreen, kaninang pag baba namin ay naabutan namin silag nagbbreakfast kaya sumabay na kami. Napag usapan rin namin na gumala, pero si Keiran gusto magpaiwan. “Dude, we’re literally surrounded by beaches and drinks. Live a little!” ani Drake.Natawa si Kevin. “Oo nga, bro! Baka naman laptop pa rin bitbit mo sa bangka mamaya?”Keiran looked up from his phone, calm but tired. “I just need to answer a few emails.”“Emails na naman,” sabay irap ni Stacy. “You’re such a buzzkill.”Tapos sabay silang nagtinginan ni Drake, parehong nagtaas ng kilay sa akin.“Bela, ayain mo na!” pangungulit nila sakin.Napatingin ako kay Keiran.He looked the same, steady, expressionless, distant. Pero alam kong iba na.“Hey,” tawag ko kay Keiran. “They’re right, Keiran. You should come.” saad ko pa.Sandali siyang tumingin sa akin, saglit lang.Tapos tumango. “Fine. But only for this one..” sagot niya kaya napa-appir nalang sak

  • In My Stepbrother’s Bed   Chapter 14

    "Bilaaaaat!" dinig kong tawag ni Stacy mula sa labas ng pinto ng kuwarto namin ni Keiran kaya dali dali kaming nagbihis at nag ayos. Agad na tumayo si Keiran at naglakad papunta sa pinto, ng masiguro na namin na nakabihis na kami ay binuksan na ni Keiran ang pinto habang ako naman ay nagtulog-tulugan."Woa, pinagod mo yata bestfriend ko kagabi ah?" panunukso ni Stacy, hindi ko alam kung anong itshura ngayon ni Keiran, basta ay hindi ko siya narinig na sumagot.Maya maya pa ay naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko kaya napalunok ako ng wala sa oras. "Let's continue wala na si Stacy" bulong ni Keiran kaya napamulat ako ng mata at sinamaan agad siya ng tingin."Gago! magshashower na ako!" inis kong sabi sakaniya at dali daling nagpunta sa banyo para maligo. Nang makapaghubad na ako ay sinindihan ko agad ang shower at ang heater nito, mahina lang ang ginawa kong pagkakasindi para mas masarap sa balat bawat patak ng tubig. Pero hindi pa man ako nagtatagal sa pagshashower ay nar

  • In My Stepbrother’s Bed   Chapter 13

    Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa pisngi ko. Ramdam ko rin ang bigat mula sa tiyan ko dahil sa kamay ni Keiran na nakapatong rito.Pinagmasdan ko lang siya, tulog na tulog pa rin. Napaisip ako bigla na hindi dapat namin ituloy ang ganitong set up, paano kapag nalaman na ng mga kaibigan namin na step siblings kami? paano kung malaman ng parents namin na may ginagawa na pala laming kababalaghan behind their back. Nakakahiyang isipin.Dahan dahan kong hinawakan ang kamay ni Keiran na nakapatong sa tiyan ko para sa itabi ito at makatayo ako, pero bago ko pa maalis ang kamay niya ay hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko at tumitig sakin."Good morning" nakangiti niyang bati..Tangina kahit kagigising lang ang bango pa rin ng hininga!"G-goodmorning." utal kong tugon, at nagulat nalang ako ng ngumisi ito at biglang pumatong sakin. "K-keiran?" taka kong sambit sa pangalan niya."I just want to eat my breakfast..." nakangisi niyang sabi at sa isang iglap nasa pagitan na siya ng hita

  • In My Stepbrother’s Bed   Chapter 12

    Tahimik lang kaming naglakad ni Keiran pabalik sa suit namin.Wala ni isa sa amin ang nagsasalita.Tanging tunog lang ng mga alon at mga yabag namin sa buhangin ang gumuguhit sa pagitan ng katahimikan.“Pahinga na tayo” bulong ko kay Keiran.“Yeah, buti pa nga” sagot naman niya at sabay kaming bumagsak sa kama.Nakatitig lang ako sa kisame, sobrang init ng pisngi ko, ngayon lang ata umepektibo ang tama ng alak. O ganito talaga kapag nakahiga na after uminom? Nabalot kami ng katahimikan ni Keiran, hindi ko alam kung tulog na ba siya o gising pa.“Keiran…” tawag ko, naghihintay na sumagot siya“Hmm?” sagot niya, sabay kaming napatingin sa isa’t isa kaya nagkatitigan kami.Agad kong iniwas ang tingin ko at bumalimg ulit sa kisame.“Yung sinabi mo kanina…” Saad ko, mahina lang, sapat na kaming dalawa lang ang makarinig. “Totoo ba ‘yon?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinatanong about do’n pero ayaw akong patahimikin ng curiosity ko.“Totoo lahat, Bela,” sagot niya, halos pab

  • In My Stepbrother’s Bed   Chapter 11

    “Okay guys, last bottle na ‘to ha!” sigaw ni Cheska habang itinaas ang alak, halatang lasing na pero cute pa rin.“Promise?” tanong ni Stacy, sabay kindat.“Promise na ‘yan, baka bukas magising tayo sa ibang planeta,” tawa ni Kevin.Lahat kami nasa paligid ng bonfire, may marshmallows, chips, gitara, at sand na malamig na sa paanan.Tahimik ‘ang dagat, pero ‘yung tawa ng barkada namin halos umabot sa kabilang dulo ng resort.Ako? Half tipsy.Alam kong hindi pa ako lasing, pero pakiramdam ko ang init init.“Bela, ikaw naman!” sigaw ni Cheska. Napatingin ako sa bote na nasa gitna namin na ngayon ay sakin nakatutok. Di ko na rin matandaan paano kami nag umpisa maglaro ng spin the bottle.“Truth or dare?” nakangising tanong ni Cheska“Truth,” sagot ko agad.“Ang boring mo!” reklamo ni Stacy. “Mag dare ka!” utos pa nito.Umiling ako. “Ayoko! Alam kong madumi ‘yang isip mo!” sagot ko nama sakaniya.“Fine,” sabay ngisi ni Stacy. “Truth then. Hmm…”Lumingon siya kay Keiran na tahimik lang, n

  • In My Stepbrother’s Bed   Chapter 10

    Habang abala ako sa pag aayos ng mga gamit ko ay sunod sunod ang notif sa phone ko, pag tingin ko ay mgachats sa gc na nandito na sila.Napahinto ako sa pag-aayos at tumayo na. Shit, eto na. The cavalry is coming.Sinilip ko si Keiran na busy sa laptop sa may mini-office corner. Naka-button down shirt siya, nakabukas ang unang dalawang butones, mukhang seryoso sa pagta-type pero halata kong aware siya sa bawat galaw ko.“Don’t stare too long, Bela. You might fall,” sabi niya nang hindi man lang tumitingin.Napairap ako. “Please. The only thing I’ll fall for is to your bed, kuya!” pang aasar ko. Nakita ko kung paano siya natigil sa pag-ta-type at napatingin sakin, halata yung gulat at inis.Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas. Pagdating ko sa lobby, agad kong narinig ‘ang boses ni Stacy, malakas, masigla, yung tipong di na need i check pa kung sino ba yung gumagawa ng ingay.“Belaaaat! Oh my god, ang ganda dito!” halos sigaw niya habang yakap ako ng mahigpit.Kasunod niya si Drake,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status