“Where have you been, son?” tanong ni Mrs. Montesantos sa anak niyang kakarating lang.“Wala kang pakialam kung saan ako galing.”“Aba! Bastos ka talagang bata ka!”Imbes na sumagot pa, diretsong naglakad si Carl papunta sa kwarto niya, iniwan ang inang nagmamaktol dahil sa hindi maganda niyang ugali.Pagbukas niya ng pinto, napaatras siya sa gulat nang makita roon si Sharon.“Hi, honey. Saan ka ba galing? Dumaan ako sa office mo, pero wala ka. Wala ka rin daw meeting na naka-set sabi ng secretary mo,” ani Sharon habang papalapit.“What the hell are you doing in my room? Get out!”“Ano ka ba naman, Carl? Pag kinasal tayo, magiging room ko rin ‘to.”“At sino’ng nagsabing ikakasal tayo?”“Carl naman… we’re engaged, and you can’t do anything about it.”“Talaga? Walang magagawa? Grabe, ang kapal naman ng loob mo.”“At sino ba tingin mo dapat mong pakasalan? Yung ex mo na mukhang pera?”“Lumabas ka sa kwarto ko bago pa kita kaladkarin palabas ng pinto. Get lost.”Padabog na lumabas si Shar
Last Updated : 2025-11-15 Read more