"Bungga talaga ang byute mu, ma'am Emie!" nakangiting sabi ni Mayang nang makababa na ako galing sa kwarto ko.Napatawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Iyong tono niya pa ay parang pinipilit pang magsalita ng Tagalog pero lumulutang talaga ang native accent niya."Maaga pa para magbigay ako ng bonus, Mayang," biro ko sa kanya nang makaupo na sa may sala. Susunduin kami ni Uncle. Kaaalis lang nina mama, Harvey, at Ate Gwen. Nauna na sila dahil dadaan daw sila ng cake shop. Nakakahiya raw pumunta sa mga Arizcon na walang dala."Naku, hindi man ako nagbibiro, ma'am!" natatawang sabi pa ni Mayang. "Bagay talaga kayo ni Ser Truy, gwapu at maganda!"Ilang araw na siyang naninilbihan sa akin pero hindi ko pa siya nakakausap nang ganito. Kaya naman ay kinuha ko na ang pagkakataon na ito para mas lalo siyang kilalanin. "Anong tunay mong pangalan, Mayang?""Maila Ampipit pu, ma'am," nakangiting sagot ni Mayang. Lihim kong kinurot ang sarili ko para mapigilan ko ang mapatawa. Sadyang may m
Last Updated : 2025-10-26 Read more