Hindi pa man tuluyang nauupos ang tensyon sa loob ng sala, ramdam ko na agad na may isa pang bagay na mas mabigat, mas madilim, mas malalim kaysa sa usapan namin kanina. Nakaupo na sina Mama Cynthia at Papa Apollo sa tapat namin, pero iba na ang atmosphere—hindi na ito yung mahinahong pakiusap. Iba na ang tingin ni Papa Apollo ngayon. Parang may hindi siya kayang bitawan pero kailangan niyang sabihin.Hawak ko si TJ, nakaupo siya sa hita ko, nakayakap sa leeg ko, clueless pero ramdam ang tensyon ng mga matatanda sa paligid niya. Si Mama Estella ay nasa kanan ko, nakaakbay sa akin na parang anumang oras ay handang ipagtanggol ako. Si Kuya Harold naman ay nakatayo pa rin sa likuran ko, nakahalukipkip, hindi na galit pero nagbabantay.“Emie,” ani Papa Apollo, mababa ang tono, halos parang bulong. “Noong sinabi ko sa’yo dati na… iba si Heidi, hindi ako nagsisinungaling.”Hindi ko namalayan na napahigpit ang yakap ko kay TJ. Parang biglang lumamig ang hangin, parang may hinila mula sa ilal
Last Updated : 2025-11-28 Read more