Naabutan namin ang coordinator na si Ms. Carmina— ang babaeng perfectionist, sobrang strict, at mukhang kailangan huminga tuwing may makikitang mali. Pero kahit ganoon, siya ang pinakamagalin sa larangan na ito. Actually si Papa Apollo ang nag-recommend sa kanya.“Finally!” sabi niya habang nagtatapik ng clipboard. “Akala ko male-late kayo. Tara na, kailangan nating i-run through ang procession.”Tumayo kami sa harap. Ang mga kasali sa entourage ay nagsisimula nang pumila. Nakita kong naglalakad papunta sa spot nila sina Ate Cathy at Gio. Habang nasa tabi naman si Charlotte. Para siyang poster ng magulong nobela— iyong hindi mo sure kung sino ano ang role niya sa pelikula.“Okay! Bride and groom, dito kayo,” utos ni Ms. Carmina.Lumapit kami ni Troy.“Una, ang parents, then sponsors, then secondary sponsors, then best man and maid of honor, and finally ang bride papunta sa naghihintay na groom. Clear?”Tumango kaming lahat.Pero bago magsimula, lumapit si Gio sa amin. Hindi ko naman s
Last Updated : 2025-11-14 Read more