Limang taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang buhay na muntik nang lumamon sa akin.At ngayon nandito ako sa La Esperanza.Isang maliit, tahimik, at payapang bayan sa timog. Hindi ito kilalang tourist spot. Hindi rin ito puntahan ng mga taong galing sa siyudad. Sa totoo lang, para itong town na hindi mo mahahanap kung hindi mo sadya.At iyon mismo ang kailangan ko.Nasa gitna ng bayan ang maliit kong lupang nabili limang taon na ang nakaraan. Wala pa noon ang bahay. Wala pa ang convenience store. Wala rin akong kilala.Pero dala ko ang isang bagay na mas mabigat pa sa anumang bagahe— ang anak ko.Ang batang iyon ang dahilan kung bakit ako tumakbo palayo, kahit nanginginig ang tuhod ko, kahit punong-puno ako ng takot, kahit iniwan ko ang lahat ng alam kong mundo.Kaya nang pumasok ako sa La Esperanza limang taon na ang nakalipas, buntis, pagod, at halos sumuko, ang una kong ibinulong sa sarili ko ay...“Dito. Dito ko sisimulan ulit ang buhay namin.”At nagawa ko nga.Ngayon, ang dal
Last Updated : 2025-11-18 Read more