Kinabukasan, maaga kaming gumising— siya sa halik sa noo ko, ako naman sa paghablot ng kumot dahil malamig. Hindi ko alam kung nakailang round kami. Napakagat-labi na lang ako.“Good morning, wife,” he whispered.“Five minutes,” sabi ko. "At sumiksik pa lalo sa kumot."“Nope,” sagot niya sabay buhat sa akin.“Troy! Ano ba!”“You said Paris. We explore Paris.”Ang kulit talaga. Hindi ko alam na may ganito siyang side. Lagi lang kasi siyang seryoso kapag iba ang kaharap niya.Pero hindi ko rin naman mapigilan ang kilig habang binubuhat niya ako papunta sa breakfast nook ng suite. May nakahandang croissants, hot chocolate, scrambled eggs, at fruits.“Kumain ka nang marami. We have a lot to do today,” sabi ni Troy.“Like what?” tanong ko habang naglalagay ng jam sa tinapay at nilagay iyon sa plato niya.“Unang stop, Eiffel Tower. Then Louvre. Then River Seine. Then—”“Troy, hindi tayo Amazing Race,” putol ko. "Kalma ka nga, marami tayong oras."“I know,” sagot niya. “But I want you to see
Last Updated : 2025-11-15 Read more