Mag-umpisa ito sa sandaling tuluyan nang bumigay ang mundo ni Heidi.Hindi sa pagsabog.Hindi sa sigawan.Kundi sa isang tunog na halos hindi marinig—isang mahina, tuluy-tuloy na paghinto ng mga makina.Sa wrist console ko, isa-isang namatay ang mga indicator.“Core isolation confirmed,” sabi ni Rafael sa comms, ngunit mas tahimik ang boses niya kaysa dati. Para bang ayaw niyang gambalain ang mismong sandali.Tumayo ako sa harap ng main chamber console, nakatitig sa malaking display na dati’y parang pusong tumitibok ng buong sistema ni Heidi. Ngayon, parang bangkay na.Sa mini-feed ng CCTV grid—na kami mismo ang nag-hack at muling binuhay para masilip ang loob ng balwarte niya—nakita ko ang eksena sa central operations.Hindi ko inaasahan ang makikita ko.Hindi na siya ang malamig at kontroladong babae na sanay akong nakikita sa screen.Nakatayo siya sa gitna ng silid, hawak ang tablet, nanginginig ang kamay. Sa paligid niya, nagbi-blink ang mga panel, naglalabas ng error logs, system
최신 업데이트 : 2026-02-25 더 보기