Tahimik ang umaga sa Berlin nang araw na iyon—pero hindi iyon ang klaseng katahimikan na nagpapahinga ang mundo. Ito iyong katahimikan na parang may hinihintay na mangyari.At sa pagkakataong ito, tapos na.Nasa loob ako ng sasakyan habang papunta sa airport. Walang convoy. Walang ingay. Walang kahit anong magpapakita na may nangyaring malaking operasyon sa loob ng ilang araw.Pero alam ko.Alam namin.Natapos na ang dapat naming gawin.At nagsimula na ang mga bagay na hindi na namin kayang kontrolin.Sa tabi ko, si Daniel ang nagmamaneho. Pareho pa rin ang postura niya—maayos, tahimik, walang sayang na galaw.“You completed everything faster than expected,” sabi niya habang nakatingin sa kalsada.“Preparation,” sagot ko.Hindi ko na pinalawak. Hindi rin siya nagtanong pa.“Impressive,” dagdag niya. “Our engineers are still reviewing the integration.”“Take your time,” sagot ko. “The system adapts.”Bahagya siyang tumango.Hindi niya alam kung gaano kalalim ang ibig sabihin ng sinabi
Read more