CAROLINA WASHINGTON Hindi ko malaman ang totoong nararamdaman ko. Alam ko naman sa sarili ko na kung minsan ay alanganin ako kay Kenjie dahil unang una Uncle siya ng ex-boyfriend ko na si Kyle. Nang sabihin niya sa akin na next week na ang engagement party namin kinabahan talaga ako ng sobra. Halos nagpapawis ang buong katawan ko sa kaba. "Mom, kailangan pa bang gawin iyon?" tanong ko rito. Hindi ko kasi alam kung bakit kailangan pa e, hindi naman namin mahal ang bawat isa. "Oo naman hija, kailangan iyon bago ka mapakasalan. Ano bang inaalala mo dyan? Hindi naman siguro nagbago ang isip mo. Alalahanin mo wala ng ibang makakatulong sa atin kundi si Kenjie lang." wika ni Mommy. Pakiramdam ko parang mas pabor talaga siya na makasal kaming dalawa ni Kenjie. "Pwede naman kasi wala na iyon, ikasal na lang at sa civil lang." walang gana kong sambit pero mukhang hindi yata nagustuhan ng Mommy ko ang sinabi ko. "Anong pwede? Anong civil? Are you out of your mind hija. Kung ok ang d
Last Updated : 2025-11-08 Read more