KENJIE TAYLOR Past 5 pm na ako naka alis ng ospital. Sinigurado ko muna na kakainin ni Carolina ang dala ko. "Kakain rin naman pala, mag-iinarte pa." usal ko. Habang nakasilip ako kinalabit ako ni Mommy.. "Hijo, bakit nandito ka? Hindi ka pumunta doon." tanong nito sa akin kaso hindi ko naman masabi ang totoo. "Ah! Ok lang Mom, galing na po ako doon. Dumaan lang naman ako para ibigay ang binili kong pagkain kay Carolina kaso mukhang bad mood ito ngayon." malungkot na sagot ko at kumukuha talaga ako ng simpatya mula rito. "Ganon ba! Hayaan muna hijo, baka pinaglilihan ka lang niya. Alam mo naman ang mga buntis ganyan talaga kapag asawa nila ang pinaglilihian." sambit nito. At bigla akong napaisip sabay napangiti. "Talaga po? I'm so glad that I heard it from you, Mom." "Oo naman anak. Sige na baka may lakad ka pa. Ako na bahala sa anak ko at kakausapin ko siya." sagot nito sa akin sabay tap ng balikat ko ng tatlong beses. Parang sinasabi sa akin na hwag na akong mag worry
Last Updated : 2025-10-28 Read more