Samantala, sa opisina ni Dylan…“Meynard, siguraduhin mo na makausap natin iyang si Christy,” madiing wika ni Dylan habang pinipisil ang ballpen sa pagitan ng mga daliri. “Hindi pwedeng kung ano-anong kalokohan ang gagawin niya habang nakakontrata siya sa atin. I’ve had enough of her antics.” Bakas ang galit at pagod sa mga mata niya, pati ang pagpipigil ng bugso ng emosyon.Naiinis siya sa isa nilang talent na tila wala nang pakialam sa mga patakaran. Basta na lang ginagawa ang kahit anong gusto, kahit pa makasira sa reputasyon — hindi lang ng sarili kundi pati ng kompanya at mga proyektong pinaghirapan nilang itaguyod.“I’ve already arranged a meeting between you and her, Sir,” tugon ni Meynard, medyo maingat ang tono. “Kasama rin ang manager niya.”“Kailan?” malamig ngunit may diin na tanong ni Dylan.“Sa makalawa, Sir. Out of town pa siya ngayon, may shoot pa.”Tumango si Dylan, saka marahang minasahe ang sentido. Ramdam niya ang mabigat na pressure sa ulo, parang lahat ng problema
Last Updated : 2025-11-07 Read more