(A/N: Papunta na po tayo sa exciting part *smirks*) Anaiah’s POVKASAMA ko si Darlyn na kumuha ng libro na gagamitin namin sa last subject dito sa locker area at itinago doon yung mga book na nagamit na namin sa mga na unang subject. “Buti na lang talaga Anaiah at nakapasok kana,”sambit ni Darlyn sa akin habang kinakandado ang locker niya. “Masyado mo akong na miss e, pumupunta ka naman sa bahay para ituro ang mga lesson na na-miss ko.”sagot ko kay Darlyn at sinandalan yung locker ko matapos ito ikandado. “S'yempre bestfriend kita, ikaw lang naman kaibigan ko dito sa school kasi karamihan mga pet peeve ko,”mataray na sambit Darlyn habang nakakrus ang braso sa tapat ng dibdib niya. “Paano ba naman kasi ang maldita mo kaya maraming may ayaw sa 'yo,”buntong hininga ko. “Masyado ka kasing mabait, minsan kasi makipag plastikan ka!”payo niya sa'kin. “Ayoko madungisan record ko,”sagot ko. “Bakit... Matagal na rin naman nadungisan record mo dahil sa sinapak mo si Keelan.”pag-uungkat
Terakhir Diperbarui : 2025-11-17 Baca selengkapnya