Martina’s POV“LOLA, ito na po yung gamot niyo,” sabi ko kay lola sabay bigay ko ng capsul ng gamot niya. “Lola, konting tiis na lang at mapapa kidney transplant na kita... Kaya lumaban ka lang,”pilit na ngumingiti ko na sambit kay lola. “Salamat. Martina, Apo ko... Nahihiya na ako sa'yo dahil ang dami mo nang sakripisyo para sa akin,”bakas sa boses ni Lola ang lungkot at hiya para sa akin. Tila naman ulan na nagbagsakan ang mga luha ko sa mata nang sabihin niya ‘yon at tignan ang nakakaawang sitwasyon niya habang nakaratay sa kama dito sa ospital. Ka agad ko naman pinunasan ang luha ni Lola para hindi na makasama pa sa lagay niya. “Ano ka ba, La... Apo mo ako malamang! Alam mo naman na ikaw na lang ang natira sa amin ni Wildren.”ani ko kay Lola. “Imbes na ako ang bumubuhay sa inyo ng kapatid mo ay ikaw itong bumubuhay sa amin... Patawad, apo ko.”sambit ni lola Martha sa akin habang bumubuhos ang luha sa mata. Ipinahid ko naman yung daliri ko para punasan ito. “Lola, ‘wag ka
Last Updated : 2025-10-18 Read more