Bakit kailangan kong malaman na ang ama na aking kinagisnan ay hindi ko tunay na ama para lang malinis ang relasyon namin ni tito Janus.Ang bigat ng pakiramdam ko sa nalaman kong katotohanan."It's okay, Ivana." yakap ako ni tito Janus. "I'm here,""Gaano katotoo ang sinasabi mo, mr. Edison? Baka sinasabi mo lang iyan para hindi mabatikos ang naging gulo ng pakikipagrelasyon ng anak mo sa bayaw mo?" patuloy pa rin sa tanong ang mga bisita. Hindi sila tumigil, gusto nilang usisahin ang lahat sa pamilya namin."Inimbitahan namin kayo dito para magsaya, hindi usisahin ang mga buhay namin." galit na sumbat na ni tito Janus. "Sabihin niyo sa akin? Kayo ba ang nagpapalamon sa amin para usisahin ang mga buhay namin? Sige, hahayaan namin kayong magtanong, ibaba ang pamilya namin. Siguraduhin niyo lang na may naipundar kayo sa amin dahil kung wala ay asahan niyo na babagsak ang ikinakabuhay ng bawat pamilya ng sinuman ang narito ngayon na patuloy sa pag uusisa sa amin." malalim, nagbabanta.S
Last Updated : 2025-12-29 Read more