"Ma, kayo na muna ang humawak nito para kay Vladimir." binigay ko kay mama ang card na bigay ni lolo Javier kay Vladimir."Kayo na ni Janus ang magtago niyan. Hindi pa naman magastos si Vladimir kaya hindi iyan kailangan.""Pero...""Anak mo si Vladimir, Ivana. At ikaw na dapat ang humawak ng mga bagay para sa kanya."Natahimik ako. Alam ko naman iyon, ngunit may pagdadalawang isip akong hawakan ang perang iyon ni Vladimir."Janus, ikaw na ang magtago ng pera ni Vladimir." saka binalingan ni mama si Tito Janus.Kinuha sa akin ni mama iyon at ito na mismo ang nagbigay kay tito Janus."Here, kayo na ang bahala diyan. Nasa sa inyo kung kukunin na ninyo sa amin si Vladimir.""Pasukan na sa susunod na linggo, ate Hannah. At walang makakasama si Vlad sa bahay kung mag aaral na ulit si Ivana."Kayo ang bahala, gusto rin naman ng pamangkin mong si Enid na manatili na lang muna sa amin si Vlad. Alam niyo naman na nakalakihan na niyang ang akala ay kapatid niya ito.""Oo naman, ma. Mas maalagaa
Last Updated : 2026-01-06 Read more