Nagluto ako ng pancit canton. May laman ang ref ngunit hindi naman ako marunong magluto. Alam ko lang lutuin ay prinitong itlog, nilagang itlog, steam na itlog. Kaya hindi ako maaasahan sa kusina. Hindi naman ako hinayaan nina mama noon na manatili sa kusina para matutong magluto. Umasa na lang talaga sa mga katulong kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon matuto. Pero kailangan kong matuto. Para maipagluto ko naman si Tito Janus. Kaya ngayon, nagluto ako ng pancit canton na nilagyan ko ng nilagang itlog. Dadalhan ko siya sa kanyang opisina. Pababa na ako, sumakay ng elevator. Ngunit pagbukas ng pinto ng elevator ay napasimangot ako dahil ang bagong manager na pinalit kay Manager Lacson ay kausap ni tito Janus at may dalang pagkain pa. "Nagdala na ako ng tanghalian mo, mr. Gray. Napapansin ko kasi na hindi ka lumalabas para kumain." iyon ang narinig ko. Humakbang na ako palapit. Sabay pa na napatingin sila sa akin. "Ivana, why are you here?" tanong ni Manager Davis. Maayos
Last Updated : 2025-12-30 Read more